Add parallel Print Page Options

At nakita ko ang gaya ng (A)isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, (B)at sa kaniyang larawan, at sa (C)bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, (D)na may mga alpa ng Dios.

At inaawit nila (E)ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at (F)ang awit ng Cordero, na sinasabi,

Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; (G)matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
(H)Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't (I)ikaw lamang ang banal; sapagka't ang (J)lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.

Read full chapter